Sec. Maria Christina Frasco

DOT Sec Frasco nagpasalamat sa tulong ng ADB

Jon-jon Reyes Jul 20, 2024
110 Views

HINARAP ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang mga bisita mula sa Asia Development Bank sa pamumuno ni Country Director Pavit Ratchandran at tinalakay ang suporta ng ADB sa turismo ng Pilipinas.

Kabilang sa napag-usapan ang paghahanda sa iminungkahing Baguio Resilient City Tourism Project (BRCTP).

Layunin ng BRCTP na pahusayin ang turismo sa Baguio sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga imprastraktura at serbisyo.

Nagpasalamat si Frasco sa ADB official. Kasama ni Frasco sa pagtanggap sa mga bisita sina Undersecretary Shalimar Hofer Tamano, OIC-Undersecretary Verna Buensuceso at Head Executive Assistant Glenn Albert Ocampo.