Crime

Kelot pinagbabaril sa harap ng bahay, patay

Edd Reyes Jul 30, 2024
67 Views

TODAS ang 39-anyos na lalaki nang pagbabarilin at mapatay sa harap ng kanyang bahay noong Linggo sa Pasay City ng tumakas at hindi nakilalang hitman.

Kinilala ni Pasay police chief P/Col. Samuel Pabonita ang pinatay na si alyas Tintoy ng Tramo St. Brgy. 100.

Tumakas ang hindi nakilalang salarin sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasabwat papuntang Protacio St.

Sa ulat ni P/Maj. Jaybee Bayani ng Southern Police District Public Information Office (SPD-PIO), nakatayo sa harap ng kanyang bahay ang biktima nang lapitan ng suspek dakong alas-3:20 ng hapon at pinagbabaril.

Rumesponde sina P/Capt. Allan Valdez, commander ng Police Sub-Station 4, at isinugod ang biktima sa Pasay City General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician.

Nagsasagawa ng backtracking sa mga kuha ng CCTV sa lugar sina Capt. Valdez na posibleng makatulong sa pagkakakilanlan sa suspek.