Soco Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region

Kelot patay sa ambush, 1 pa dedo sa ligaw na bala; menor sugatan

Zaida Delos Reyes Aug 23, 2024
36 Views

DALAWA ang patay habang isang menor de edad ang nasugatan sa pananambang nitong Huwebes ng hapon sa Cotabato City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jonas Tamla , target umano ng ambush, at Raynon Esgan na tinamaan lamang ng ligaw na bala.

Isinugod naman sa pagamutan ang menor de edad na tinamaan din ng ligaw na bala.

Batay sa ulat ng Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region, naganap ang pananambang sa bahagi ng Manday street, Tanghal Subdivision, Barangay Mother Bagua sa nasabing lungsod.

Lulan ang biktimang si Tamla ng kanyang motorsiklo ng tadtarin ng bala ng suspects na nag-aabang lamang sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan at ulo si Tamla na naging sanhi ng pagkasawi nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.