Calendar
PBBM sa ‘fake news’ na naospital siya: Do I look sick?
TINAWANAN lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ‘fake news’ na isinugod siya sa ospital.
Sa ambush interview sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) headquarters sa Camp Aguinaldo Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na fake news ang umano’y ulat na medical emergency.
“Iyan ang kailangan ninyong… Tingnan — do I look sick? Iyan ang kailangan natin bantayan, mga fake news na ganyan. Huwag kayong naniniwala unless it comes from a credible source. Tama. Ang dami kong kaibigan tumawag sa akin. “Okay ka ba? Okay ka ba?” Wala. Kalokohan lang ‘yan,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Yeah, well. It’s totally and completely fake. I do not even have a cold. I do not have anything wrong with me. I’m fine. Thank you for your concern,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, nasa Malakanyang lamang siya noong Setyembre 3 at nagsagawa ng command conference kasama ang mga commanders.
Ginugol naman ni Pangulong Marcos ang oras sa hapon sa pagbabasa ng mga reports at paperwork.
“I had a meeting in the morning. I had a command conference with some of our commanders. And I spent the rest of the day reading my briefs and doing paperwork. Nagulat lang ako when they said that there was… “Ano?” Medical emergency…” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang kumalat sa social media na isinugod umano sa ospital si Pangulong Marcos.