Calendar

Metro
Obrero todas sa inuman na nauwi sa tarakan
Jon-jon Reyes
Sep 9, 2024
219
Views
PATAY ang obrero na sinaksak ng kapwa obrero sa beerhouse sa Blumentritt Road, Sampaloc, Manila noong Lunes.
Timbog ang suspek na nakilalang si Efer Adansa, 24, at patay si John Paul Ordejon dahil sa pananaksak niya.
Base sa ulat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-12:35 ng madaling araw naganap ang insidente sa naturang beerhouse sa nasabing lugar.
Sa report ni Det. Jason Ibasco, may hawak ng kaso, habang nag-iinuman ang grupo ng biktima at suspek, nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima na nag resulta sa kamatayan.
Vietnamese kinidnap, ginahasa ng grupo, vinideo
Jun 6, 2025
10 lalaki kalaboso sa pagnenok ng cable wire
Jun 6, 2025
Bagong Tanza Fire Station bukas na
Jun 6, 2025
Halos 3K tons ng sulfur ibinuga ng Kanlaon
Jun 6, 2025