NIA

PBBM ibinalik sa OP pangangasiwa sa NIA

Chona Yu Sep 10, 2024
21 Views

IBINALIK na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangangasiwa ng Office of the President ang National Irrgation Administration mula sa Department of Agriculture.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 69 para amging attached agency na ng OP ang NIA.

Nabatid na layunin nitong mapaigting pa ang mga hakbang na may kinalaman sa irrigation management at development at maging ang mga hakbang upang matamo ang food security at matiyak ang infrastructure development.

Batay pa rin sa EO, inatasan ang Governance Commission for GOCCs (GCG) na pag-aralan ang reorganisasyon ng NIA Board of Directors.

Bukod dito, magiging bahagi naman ng NIA Board ang isang kinatawan mula sa OP, administrator ng NIA, kinatawan mula sa pribadong sektor na itinalaga ng Pangulo, at maging ang mga kalihim ng Department of Public Works and Highways, Department of Agriculture, National Economic and Development Authority.