Calendar
PBBM pinangunahan paglunsad ng Agri-Puhuna, Pantawid Program sa N. Ecija
PERSONAL na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglunsad ng Agri-Puhunan at Pantawid Program sa Guimba, Nueva Ecija
Programa ito ni Pangulong Marcos na isang credit facility na nag-aalok ng mababang interes na pautang upang matulungan ang mga magsasaka na makakuha ng kinakailangang pondo para sa kanilang mga pang-agrikultural na pangangailangan
Ayon kay Pangulong Marcos, bawat benipisyaryong magsasaka ay makakatanggap ng tinatawag na Interventions Monitoring Card sa ilalim ng naturang programa.
Dito rin aniya kukunin ang pambili ng binhi, fertilizer o pataba, pesticides at iba pang pangangailangan ng magsasaka.
Maliban dito bibili rin ang National Food Authority (NFA) ng limang tonelada o hindi bababa sa 100 sako ng palay mula sa mga magsasaka na hindi bababa sa P21 kada kilo.
Dahil dito kaya inaasahan na ang kikitaain ng mga magsasaka sa bawat isang ektaryang lupain ay aabot sa P1,500 na agad papasok sa kanilang Interventions Monitoring Card (IMC) .