Calendar
Provincial
Kelot kinadyot, todas
Gil Aman
Sep 15, 2024
494
Views
NAMATAY ang lalaki matapos saksakin sa kaliwang dibdib ng nahuling suspek noong Sabado sa Lazaro compound, Brgy. Tres, Calamba City, Laguna.
Nasawi ang biktimang si Romnick Villanueva Romano sa St. John the Baptist Medical Center dahil sa saksak na tumagos sa kanyang puso, ayon sa Calamba City police.
Naaresto ang itinuturong suspek na kinilalang si alyas Jabbar.
Ayon sa mga pulis, dakong alas-10:40 ng gabi nilapitan ng suspek ang biktima at saka bigla na lang inundayan ng saksak sa hindi malamang dahilan.
Naawat ang pananaksak ng suspek at naaresto, ayon sa report.
Sasampahan ng kasong murder ng pulisya ang suspek.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

