Stell

Stell at Pablo sa pagpaparetoke: Di ba obvious? Nakaka-confidence

Vinia Vivar Sep 15, 2024
67 Views

Hindi itinanggi nina Stell at Pablo ng SB19 na sumailalim sila sa surgical enhancement na matagal na ngang ini-issue sa kanila.

Naging guest ang dalawa sa show ni Boy Abunda nitong Friday at natanong sila tungkol dito.

“Did you have surgical enhancement?” diretsong tanong ng host na si Boy Abunda.

Mabilis ang naging sagot ni Stell, “Yeah, yeah, yeah.”

“Even my friends po, when they ask me, parang ‘Uy, nagpa-ano ka ba talaga?’ Sinasabi ko, ‘Oo,’ sabi ko, ‘Hindi ba obvious?’

“Sinasagot ko, ‘Pag sinabi ko bang ‘no,’ maniniwala ka? ‘Di ba hindi ka rin naman maniniwala?’ So, sinasabi ko po. Kasi I think, wala namang mali.

“Kasi, I’m sure, ‘pag tinanong ko ‘yung friend ko, sasabihin niya, ‘ay pag may pera ako, papagawa ko rin ‘yan.’ Ganu’n lang po ngayon, eh,” dagdag pa ni Stell.

Sabi naman ni Pablo, dati ay napag-usapan na nila ‘yon sa grupo at ang sabi raw niya noon ay hindi pumasok sa isip niya ang magpa-enhance.

“Pero hindi ko na lang namalayan one day, nagpapa-filler na ako dito (sabay turo sa ilong),” natatawang sabi ng leader ng SB19.

Pag-amin pa niya, “Sabi ko, ‘Nakaka-boost pala talaga siya ng confidence.’”

Katwiran pa ni Stell, “Saka, if you have the means, why not? ‘Di naman hinihingi ‘yun. Pinagtatrabahuhan.”

Samantala, sina Stell at Pablo ang celebrity guest coaches sa bagong season ng “The Voice Kids” na magsisimula na ngayong September 15 sa GMA Network.