Gabbi

Gabbi galing sa mommy ang singsing, hindi pang-engagement

Vinia Vivar Sep 18, 2024
11 Views

May paliwanag agad si Gabbi Garcia tungkol sa suot niyang singsing para huwag nang maghinala pa ang iba na engagement ring ito.

Nag-post kasi ang aktres ng ilang mga larawan sa kanyang Instagram account at isa sa mga ito ay makikita ang kanyang daliri sa kanang kamay na may mga suot na singsing.

“Giving this 20 carousel post a try. life lately,” ang caption ni Gabbi.

Sa comment section ay nag-follow-up agad ang aktres at inunahan na ang mga Marites na mag-iisip na engaged na siya sa boyfriend na si Khalil Ramos.

Sey ni Gabbi, galing sa mommy niya ang alahas at hindi ito engagement ring.

Aniya pa, kalma lang at ipapaalam naman niya if ever engaged na sila.

“GUYZZZZ it’s a ring from my mom afaik, engagement rings should be on the left hand!! It’s my right hand u guyshhh relax babes you’ll know promise!!” saad ni Gabbi.