Posas

2 kelot nagbenta ng baril, nasakote

20 Views

DALAWANG lalakeng nagbebenta umanto ng baril ang na-aresto ng mga kapulisan matapos ang bilihan sa Sitio Aplaya, Brgy. Balibago, Calatagan, Batangas, ayon sa report kay Batangas police director PCol. Jacinto R. Malinao, Jr.

Ang mga suspek ayon sa Clatagan police na kinilalang sina alyas Gilbert at alyas Randy ay inaresto kaagad matapos magbenta umano ng cal. 45 pistol sa pulis na umaktong poseur buyer.

Nakumpiska ng mga pulis sa dalawa ang isang Norinco firearm case, isang Colt 45 pistol na may serial number 119275; magazine, limang piraso ng bala para sa caliber 45; buy bust money, at 19 pirasong replika ng isang libong pisong perang papel ang ginamit bilang boodle money.

Dagdag pa, naitala ang nasabing operasyon gamit ng mga operatiba ang isang Alternative Recording Device (ARD).

Sasampahan ang dalawang suspek ng kasong Paglabag sa Sec 32 ng R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.