Posas

Droga, baril nakuha 2a 3 supsek na tulak sa Rizal

7 Views

ARESTADO ang tatlong pinaghihinalaang tulak matapos masamsaman ng iligal na droga at baril sa buy-bust ng mga operatiba ng Taytay Drug Enforcement Team sa Sitio Pag-Asa, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal noong Miyerkules.

Sa impormasyon na nakuha ni Police Col. Felipe Maraggun, Rizal provincial director, nakilala ang mga suspek na sina alyas Tatay, 50; alyas Che, 47; at alyas Loloy, 31.

Naaresto ang tatlo nang magpanggap na poseur-buyer ang isang pulis ng shabu.

Samantala, nakumpiska sa pag-iingat ni alyas Loloy ang 2 pakete ng hinihinalang shabu, .45 caliber na baril, 7 bala at 1 magazine.

Tumitimbang ng humigit-kumulang 50 gramo ang droga na nakuha at may standard price na P340,000.

Nakakulong sa Taytay Custodial Facility ang mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 9165 at Firearms Law at RA 10591.