Calendar
NUP inendorso si BBM
SA kabila ng paninira ay lalo pang lumakas ang suporta sa pagkapangulo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Dumagdag ang National Unity Party (NUP) na isa sa pinakamalaking political party sa bansa.
Ang NUP ay mayroong 36 miyembro na kasalukuyang miyembro ng Kamara de Representantes at siyam na incumbent governor.
“We wish to announce that the National Unity Party (NUP) has decided to endorse the Presidential bid of former Senator Bongbong Marcos,” sabi ng pahayag na inilabas ng NUP.
Ayon sa NUP suportado nito ang panawagan ni Marcos na magkaisa, isang simpleng panawagan na siyang makapagpapabangon sa bansa.
“BBM’s call for unity as the basic strategy for economic recovery, amidst the continuing Covid 19 pandemic and global uncertainties, is consistent and supportive of the NUP’s primary vision of “one nation, one future” as enshrined in the Party constitution,” sabi pa sa pahayag.
Nanawagan ang NUP sa mga miyembro nito na sumama kay Marcos sa pagsusulong sa bansa tungo sa pag-unlad.