Rodriguez

Pagsama ng NUP sa BBM patunay na lumalawak panawagan na magkaisa

227 Views

ANG pag-endorso ng National Unity Party (NUP) sa presidential bid ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr. ay isa umanong patunay na dumarami ang nakikinig sa panawagan nitong magkaisa para sa pag-unlad ng bansa.

Nagpasalamat si Atty. Vic Rodriguez, spokesman at chief of staff ng presidential frontrunner na si Marcos sa pagsuporta at pagtitiwala ng NUP upang matupad ang pangako nitong pag-unlad ng bansa.

“With deep sense of humility and gratitude, we extend our appreciation to the leadership and members of the NUP for placing their trust on presidential frontrunner Bongbong Marcos to fulfill the common vision- “one nation, one future,” sabi ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na maaabot ang inaasam na tagumpay at pag-unlad ng mga Pilipino kapag nagsama-sama at nagtulungan.

“Kapag sama-sama, magkakaroon ng kaganapan ang ating mga mithiin para sa bawat Pilipino at para sa bansa,” dagdag pa ni Rodrguez.