Tagumpay ng Kamara ibinida ni Speaker Bojie Dy
Jun 6, 2026
PRO 4A nagparangal sa chaplain
Jun 6, 2026
Calendar
Provincial
‘Tulak’ ng shabu nasinghot ng pulis sa Bauan
Jojo Cesar Magsombol
Sep 30, 2024
595
Views
KALABOSO ang isang hinihinalang tulak noong Biyernes nang matyempuhan ng mga pulis na may dalang limang gramong shabu na nagkakahalaga ng P34,000 sa Brgy. Aplaya, Bauan, Batangas.
Nahuli si alyas Mark bandang alas-5:00 ng umaga ng mga tauhan ng Bauan police na may dalang search warrant na inisyu ni Presiding Judge Josephine C. Garcia-Borbon ng Municipal Trial Court (MTC) ng Bauan, Batangas.
Nakuha din sa suspek ang isang kalibre .38 na revolver, anim na bala at ang shabu.

