Abrenos

Batikang doktor, ex-board member ng Abra pumanaw

Christian Supnad Oct 1, 2024
8 Views

BANGUED, Abra–Nagluluksa ang mga Abreńos sa pagkamatay ni Dr. Ramon Dickson, isang prominenteng doctor at dating board member sa lalawigan, noong Lunes dahil sa cancer.

Ayon kay Dr. Ramon Henry “RH” Dickson, pumanaw na ang kanyang tatay na naging member ng Abra provincial board mula 2001 hanggang 2007.

“Your mission in life has been accomplished so well, Dr. Ramon. Your good example will always be remembered,” ani Lemyrose Balmaceda.

Sinabi naman ni Alex Bernal na: “Thank you for being one of the pillars of health care and community development in Abra.”

Naulila ng doktor ang kanyang kabiyak na si Dr. Odet Fernandez-Dickson ng Samal, Bataan at mga anak na si Ramarie at Dr. RH Dickson.

Kilala ang namayapang doktor sa pagiging matulungin at ginagamit ang sarili niyang pera para makatulong sa mga kapus-palad.

Nagsasagawa rin siya ng free medical at dental mission sa mga mahihirap na komunidad.