Calendar
Speaker Romualdez, Tingog, DSWD nagsanib-pwersa sa P125M para sa mga nasalanta ng Bagyong Juan
ALINSUNOD sa atas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., agad kumilos si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, katuwang ang Tingog Partylist at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian.
Kabuuang P25 milyong halaga ng relief goods at higit P100 milyon tulong pinansyal ang ipapaabot sa mga pamilyang nasalanta.
Tinukoy nina Speaker Romualdez, Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ang 10 congressional district na lubhang naapektuhan ng bagyo at hiniling kay Social Welfare Sec. Rex Gatchalian ang agarang pagpapalabas ng P10 milyon financial assistance sa bawat distrito sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isa sa pangunahing programa ng administrasyong Marcos.
“We are ensuring that each affected district receives the support it needs to recover from this calamity. Hindi pababayaan ng administrasyon ni PBBM ang ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Julian,” ani Speaker Romualdez
“Through AKAP, we aim to provide immediate cash assistance to help families get back on their feet,” dagdag pa ng lider ng 300 miyembro ng Kamara.
Ayon kay House Deputy Secretary-General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., kabilang ang mga lugar na lubhang nasalanta ang mga distrito nina Batanes Rep. Ciriaco Gato, Cagayan Rep. Ramon Nolasco, Cagayan Rep. Aline Vargas-Alfonso, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, Ilocos Norte Rep. Angelo Barba, Kalinga Rep. Allen Mangaoang, Apayao Rep. Eleanor Bulut-Begtang, Abra Rep. Ching Bernos, Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, at Cagayan Rep. Jojo Lara.
Maliban sa tulong pinansyal inihahanda na rin ng tig-5,000 relief packs sa bawat isa sa 10 distrito ng tanggapan nina Speaker Romualdez at Tingog party-list na naglalaman ng pagkain at tubig. May kabuuang halaga itong P25 milyon na galing sa personal calamity fund ni Speaker Romualdez.
Upang mabilis na maihatid ang mga relief pack, sinabi ni Gabonada na nakikipag-ugnayan sila sa mga congressional district sa mga apektadong lugar.
Kinilala naman ni Speaker Romualdez ang pagtulong na ito ng Tingog party-list, “We have mobilized resources to deliver these relief packs as fast as we can. We understand the urgency of the situation and are working closely with local authorities to ensure that every family affected by Typhoon Julian receives help.”
Bingiyang halaga naman ni Rep. Yedda Romualdez ang pagkakaisa sa gitna ng paghara psa kalamidad.
“Sa mga ganitong pagsubok, kailangan natin ng pagtutulungan. We must work together to overcome these challenges and ensure that our people receive the help they need,” ani Rep. Yedda Romualdez
“Ang focus natin: no one should be left behind. Ito ang kampanya ng Bagong Pilipinas ng ating Pangulo. We are making sure that the needs of our people are met,” saad ni Speaker Romualdez
“Together, in unity, we will rise from this tragedy, and we will rebuild stronger and better,” dagdag naman ni Acidre.