PDEA Ang suspek na naaresto ng mga operatiba ng MPD at PDEA sa isinagawang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Suspek na pusher nakorner sa Sampaloc drug bust, P.3M shabu nakuha

Jon-jon Reyes Oct 2, 2024
9 Views

DAHIL sa ikinasang buy-bust ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District -Barbosa Police Station 14 at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) isang 39-anyos na hinihinalang drug pusher ang natimbog Miyerkules ng madaling araw sa footbridge sa Quezon Boulevard sa Barangay 463 Sampaloc ,Manila

Tinatayang aabot sa P353,600 ang halaga ng hinihinalang” shabu na nakumpiska sa suspek.

Ayon kay Police Major Salvador Iñigo Jr., hepe ng SDEU ,bandang 12:30 ng madaling araw ng maaresto ang suspek na si alyas Allan, binata, ng Barangay 464 ,Sampaloc.

Batay sa report ng pulisya,naglatag ng magkasanib na operasyon ang SDEU-MPD Barbosa, Station 14 at mga miyembro ng PDEA NCR ,kasama ang isang asset .

Sa pamamagitan ng isang posuer buyer ay naaresto ang suspek.

Limang bulto ng hinihinalang shabu na plastic sachet na tumitimbang sa 52 gramo ang nasamsam.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) at sinasabing nasa top 5 most wanted ng PDEA Regional Target List ng NCRPO.