Malabon City Mayor Jeannie

Malabon City Mayor Jeannie Sandoval naghain ng COC

Edd Reyes Oct 3, 2024
9 Views

SINALUBONG ng daan-daang taga-suporta si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval nang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) Huwebes ng hapon sa ground floor ng Robinson Townmall, Brgy. Tinajeros.

Dumagundong ang lobby ng naturang mall sa malakas na sigawan at tilian ng mga taong may bitbit pang mga placards nang pumasok na sa mall ang alkalde, kasama ang asawang si dating Ricky Sandoval na nauna ng naghain ng kanyang COC para tumakbong kongresista ng lungsod, ka-tandem na si Edward Nolasco at mga kaanib na konsehal ng Team Kakampi.

Matapos ang paghahain ng kanyang kandidatura, nagpasalamat ang alkalde sa mga taong walang sawang sumusuporta at nagtiwala sa kanya, kasabay ng pangakong mas lalung pag-ibayuhin ang pagsisilbi at tiniyak na wala isa man ang maiiwanan.

Aniya, tuloy-tuloy lang ang gagawin niyang paglilingkot at masugid na pagsisilbe para sa mga taga_malabon dahil layunin aniya niya ang umahon ang pamumuhay ng lahat ng kanyang mga kababayan sa Malabon. “Ang mga taga-Malabon ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon para maipagpatuloy ko ang paglilingkod dito sa ating bayan” sabi pa ng alkalde.

Kaugnay naman sa tanong kung ano ang kanyang masasabi sa pagtakbo bilaang alkalde ng lungsod ni Vice Mayor Jaye Lacson-Noel, sinabi ni Mayor Sandoval na lahat ay may karapatang tumakbo at magsilbi.

“Ang taong-bayan naman din po ang magpapasiya at alam naman po ng taumbayan kung sino ang karapat-dapat na manunong muli para maisakatuparan ang pag-unlad dito sa ating bayan. Yun po ang pinangalagaan ko nitong mga nakaraang dalawang taon.