QC

Ginang sa QC pinagsusuntok sa mukha, ulo ng pamangkin, patay

7 Views

TODAS ang 60-anyos na ginang matapos umanong bugbugin ng pamangkin na call center agent noong Huwebes sa Quezon City.

Namatay sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Flordelisa Taotao Resolis, 60, ng NCR DENR Compound, North Aveune, Brgy. Vasra, Quezon City dahil sa hematoma sa ulo at katawan.

Naaresto ang suspek na si John Vincent Resolis, 34.

Sa report ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang krimen sa bahay ng biktima sa NCR DENR Compound, North Avenue, Brgy.rangay Vasra bandang alas- 11:00 ng umaga.

Lumilitaw na nakatanggap ng report ang barangay hinggil sa komosyon kaya agad nirespondehan ng mga BSPO na sina Abraham Chan Castillo Jr. at Reynaldo Madriaga Moises, Jr.

Nadatnan nila ang suspek na umiiyak sa harap ng nakahandusay na biktima.

Napag-alaman na pinagsusuntok sa mukha at ulo ng suspek ang biktima sa hindi pa mabatid na dahilan.