Just In

Calendar

October 2024
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Barbie

BQ mula Quiapo napunta ng Italy

6 Views

Itinanggi ng ABS-CBN na wala na si Barbie Imperial sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa statement na inilabas ng Kapamilya network sa Instagram, sinabi ng management na nakapag-usap na sina Coco Martin, Barbie at ang production team at tuloy-tuloy pa ring mapapanood ang aktres sa serye.

Narito ang official statement ng ABS-CBN:

“Walang katotohanan ang mga usap-usapan na wala na si Barbie Imperial sa ‘FPJ’s Batang Quiapo.’

“Nakapag-usap sina Barbie, Coco Martin at ang production team, at tuloy-tuloy pa rin ang pagganap niya bilang Tisay.

“Abangan ang mga exciting na eksena sa mga susunod na episode.

“Maraming salamat, Kapamilya!”

Matatandaan na biglang nawala si Barbie sa “FPJ’s Batang Quiapo” nitong mga nakaraang linggo gayung kapapasok lamang niya sa serye last August.

Ang dahilan kung bakit nawala sa “BQ” si Barbie, bigla itong sumama kay Richard Gutierrez sa taping ng “Incognito” sa Italy.

Ang tsika pa, sumama si Barbie sa taping gayung hindi naman siya kasama sa cast at nag-suffer tuloy ang mismong serye niya dahil sa pagsipot niya sa taping ng may taping.