Drowns

Negosyante nalunod sa Batangas, nobya ligtas

6 Views

NALUNOD sa dagat kasama ang kasintahan sa Brgy. Wawa, Nasugbu, Batangas ang 35-anyos na negosyante..

Nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa Coast Guard substation sa Nasugbu ang mga pulis na nag-ulat na nakita ang ng isang bangkay ng lalaking lumulutang sa dagat ng Brgy. Wawa.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon naliligo ang biktimang si Permin Tero Delos Reyes at kasintahang si Prinsesa Dela Cruz Alcala nang makasagupa ang malalakas na alon na naging sanhi para anurin sila sa malalim na parte ng dagat.

Napansin ng isang concerned citizen ang pangyayari at mabilis silang sinaklolohan subali’t sa kasamaang palad, si Alcala lang ang nailigtas at lumubog sa ilalim ng dagat ang biktima.

Magdamag siyang hinanap ng mga ka-aanak sa pag-asang makikita siyang ligtas ngunit hindi nagtagumpay ang kanilang mga pagsisikap.

Bandang alas-6:00 ng umaga noong Oktubre 3, isang residente ang nag-report sa Coast Guard na sinabing nakakita ng bangkay ng lalaki na lumulutang sa dagat.

Agad ni-rescue ng Coast Guard ang bangkay at nakipag-ugnayan sa mga kaanak ni Delos Reyes.

Positibong kinilala ng pamilya ang bangkay ni Delos Reyes. Kumbinsido ang pamilya na ang kanyang pagkamatay resulta ng pagkalunod.