Babae pumailalim sa truck matapos mabundol, buhay!
Jul 16, 2026
MMDA punong abala sa pagdalaw ng bisita
Jul 16, 2026
P1.49M shabu nakuha sa ‘tulak’ sa Batangas
Jul 16, 2026
Calendar
Motoring
Ridership record naitala ng MRT-3 sa unang araw ng libreng sakay
Peoples Taliba Editor
Mar 29, 2022
572
Views
UMABOT sa 281,507 ang bilang ng mga pasaherong sumakay ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) noong Lunes, ang pinakamataas na naitala mula ng magbalik-operasyon ito noong Hunyo 1, 2020.
Noong Lunes din ang unang araw na ipinatupad ang libreng sakay sa MRT-3.
Pinabibiyahe na rin ng MRT-3 ang pinakamahabang train set nito na mayroong apat na bagon kapag peak hours o mula 7-9 ng umaga at 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.
Nasa 18-21 naman ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line.
Bago ang pandemya, nasa 250,000 hanggang 300,000 pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw.

