Shabu Source: FB file photo

Kelot pinatay sa bala; shabu nakuha sa bangkay

8 Views

PINAGBABARIL at napatay noong Linggo sa Quezon City ang isang lalaki at narecover ng mga pulis ang anim na sachets na may lamang puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu.

Naisugod pa sa Novaliches District Hospital ang biktimang si John Anthony Seraspe Alvarado, 28, ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Naaresto ang dalawang suspek sa pagpatay na sina Fedelito Magayon Cazerez, 50, at Jerry Galang Verino, 38, at pinaghahanap ang isa pang suspek na nakilalang si John Anthony Manriza Mercene alyas Tenga.

Nangyari ang pamamaril dakong alas-12:30 ng madaling araw sa Genoveva St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Nakatayo sa harap ng tindahan ang biktima nang lapitan ng suspek na si Mercene at walang sabi-sabing pinagbabaril sa ulo at katawan.

Nang makitang bumulagta ang biktima, tumakas na ang mga suspek.