Binatilyo nakitang patay sa condo

8 Views

PATAY na ang binatilyo, palibot ng sariling dugo at may katabing baril nang matagpuan ng mga magulang sa kwarto sa condo unit sa Quezon City noong Miyerkules.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-5:58 ng hapon natagpuan ang bangkay ng 19-anyos na estudyante.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Nestor Ariz, nasa trabaho ang mga magulang habang pumasok sa eskwelahan ang dalawang kapatid ng biktima kaya naiwang mag-isa sa condo.

Pagdating ng mga magulang sa condo unit pinuntahan nila ang biktima sa kuwarto pero nakakandado ang pintuan.

Dahil makailang ulit na umanong kumakatok ang mga magulang at hindi sumasagot ang biktima kaya puwersahan ng binuksan ang pinto at doon bumungad ang duguan at wala ng buhay na binatilyo.

Humingi ng saklolo ang mga magulang sa security guard ng condo na agad namang ipinag-bigay alam sa mga opisyal ng kanilang barangay.

Dumating ang SOCO Team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna nina P/Lt. Col. Anna Lee C Palima at P/Cpt. Aldhrin Domingo at nasamsam tabi ng bangkay ng biktima ang isang caliber 5.56 T4 Taurus rifle.

Napag-alaman sa magulang na nagpakita ng depresyon ang kanilang anak matapos makipaghiwalay ang kanyang kasintahan.