Baril

Kelot pinagbabaril ng RIT habang nagmamaneho, dedo

25 Views

PATAY ang isang driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem (RIT) habang nagmamaneho ng kotse noong Miyerkules sa Sitio Old Boso Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Base sa imbestigasyon, sakay ang biktimang si Adriano Jomero Viterbo ng kotseng Nissan (NDS 3440) mula sa Iglesia ni Cristo chapel pauwi sa bahay pasado alas-7:30 ng gabi nang biglang pagbabarilin ng ilang beses ng dalawang suspek.

Nagresulta sa pagkawala ng biktima sa kontrol sa manibela ang pamamaril kaya bumangga sa dalawang nakaparadang motorsiklo sa gilid ng kalsada.

Isinugod ang duguang biktima ng San Jose Rescue Ambulance sa Cabading Hospital ngunit idineklarang patay na ng doktor na tumingin.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong Marcos Highway dala ang baril na ginamit.