Arestado Timbog ang isang chainsaw operator sa ikinasang buy-bust at nahulihan ng marijuana na nagkakahalaga ng halos P8,000 sa San Isidro, Nueva Ecija.

Chainsaw operator arestado sa drug buy-bust sa Ecija

Steve A. Gosuico Oct 11, 2024
70 Views

SAN ISIDRO, Nueva Ecija–Timbog sa mga anti-illegal drug operatives ang chainsaw operator sa ikinasang buy-bust at nahulihan din ang suspek ng halos P9,000 halaga ng marijuana noong Miyerkules.

Sinabi ni Major Ahmed Czar Anuary, hepe ng pulisya, na nasakote ng mga operatiba ang suspek matapos magbenta ng P500 halaga ng marijuana sa isang police poseur-buyer sa Brgy. Poblacion bandang alas-5:00 ng hapon.

Matapos ang routine inspection, nakuha rin ng mga awtoridad ang mga marijuana na may timbang na 7.3 gramo at nagkakahalaga ng P8,760.

Nasamsam din ang tricycle ng suspek na ginamit sa ilegal na operasyon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang naarestong suspek sa tanggapan ng provincial prosecutor’s office sa Cabanatuan City.

“Ang pagkalulong sa droga at ang kalakalan ng iligal na droga ay kambal na hamon na nagbabanta sa ating lipunan. Hinihimok ko ang lahat na kilalanin ang mapangwasak na epekto ng iligal na droga sa ating mga komunidad,” ani PCol. Ferdinand Germino, hepe ng Nueva Ecija police.