Rodriguez

Negosante-pilantropong si Virginia Rodriguez namigay ng bigas, fertilizer sa 2K pamilya

63 Views

Rodriguez1SI businesswoman-philanthropist Virginia Rodriguez ay namahagi ng mga kalidad na bigas at fertilizers sa daan-daang magbubukid at pamilya na nakatira sa Bgy. Dapdap, Tagaytay City, upang matugunan ang kanilang mga panga-ngailangan sa pang araw-araw na buhay.

Si Rodriguez, nominado ng ATeacher partylist, ay namamahago ng tulong para sa mga kapos nating kababayan at nais nyang ipag-patuloy ang adbokasyang ito upang maiangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Dahil sa kanyan adhikain na makatulong, pinalawak pa ni Rodriguez ang kanyang mga programa sa buong Metro Manila at sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa dinaluhan nitong okasyon kung saan siya ay namahagi ng mga bigas at fertilizers sa mga mahihirap na mag-bubukid, nakipag-ugnayan narin si Rodriguez sa mga local officials ng Cavite, Batangas at Metro Manila para maka-pag impelementa ng mga programang pang-kabuhaya.

Nakipag-pulog si Rodriguez kina Bgy. Captain Freddie L. Bon and counsels, Edicel B.Bayot, Mark Anthony P. Rogacion, Roderick T.Ramos, Eufrocina C. Barquilla, Ramon L. Pineda, Bernard V. Terrible, Jonathan M. Payad at Sangguniang Kabataan Chariman Kim Andrey R.Payad, kasama nito si Lito L.Terrible-Administrator, at ang buong SK counsels na sina Mar Andrew Espina, Jacqueline Bon, Maidel Rogacion, John Neil Capili, Ian Bote, Kenneth Collantes and Arabella Grace Vibar.

Binigyan diin ni Rodriguez na ang mga barangay leaders ay isang “training ground” para maging tunay at matalinong liderato ng mamamayan at sumali sa pang national governance.

Si Rodriguez din ang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry”, na nakilala bilang advocacy leader sa agrikultura at agri-entrepreneurship, na may hangaring gawing moderno ang agricultural farming sa bansa.

Pinaliwanag sin nito na walang halong political ang kanyang pagtulong kudni bigyan ng magandang buhay ang mga magsasakang Pilipino.

Ipinangako rin ni Rodriguez na makikipagtulunga siya sa national government para sa pag-impelementa ng infrastructure, healthcare, at education.