Just In

Calendar

December 2024
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Vega Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega

Travel ban sa South Korea, malabong ipatupad ng Pinas

Chona Yu Dec 4, 2024
15 Views

WALANG balak ang pamahalaan ng Pilipinas na magpatupad ng travel ban sa South Korea.

Ito ay matapos magdeklara ng martial law ang South Korea.

Sa Bagong Pilipinas public briefing, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na natapos na ang deklarasyon ng martial law kaya hindi na kailangan pa ang travel ban.

Sa kabila nito, iginiit ni dela Vega na dapat pa rin mag-ingat ang mga turistang Filipino at iwasang bumisita malapit sa border o demilitarization zone.

“Hindi namin kayo sinasabihan na huwag na kayong pumunta, pero kailangan mag-ingat pa rin,” ayon pa kay de Vega.

Sa ngayon naman aniya ay maayos ang kalagayan ng mga Filipino sa South Korea at pinapayuhan lamang ang mga ito na sundin kung ano ang mga ipinatutupad na patakaran matapos alisin kaagad ang martial law.

Tinatayang 70,000 na mga Filipino ang magtatrabaho at naninirahan sa South Korea.