Calendar

Metro
2 patay, 10 bahay naabo sa sunog sa Tondo
Jon-jon Reyes
Jan 20, 2025
255
Views

DALAWA ang kumpirmadong patay sa sunog na lumamon sa 10 kabahayan na nagmula sa isang residential area sa Tondo, Manila noong Pista ng Sto. Nino noong Linggo.
Nangyari ang sunog sa tatlong palapag na residential sa 1027-E Bo. Menu Dagupan, Tondo na nagmula sa bahay na pag-aari nina Felicidad at Joseph Pua. Sugatan sa sunog ang mga may-ari ng bahay.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag kaya posibleng na-trap ang mga nasawi na sina Jacquelyn Merioles, 38, at William Pua, 52.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025