Presentasyon ng ebidensya ‘di dapat harangin–Kapunan
Jul 16, 2026
Hepe ng Batangas pulis dinalaw pulis na nasa ospital
Jul 16, 2026
Calendar
Metro
Kelot na nagwala walang pumansin, nanapak ng bebot
Edd Reyes
Jan 30, 2025
453
Views
ARESTADO ang isang lalaki nang sapakin ang babaeng serbidora dahil walang pumansin sa kanyang pagwawala at paghahamon ng away noong Miyerkules sa Malabon City.
Ayaw tumigil sa pagwawala ng suspek na si alyas Gilbert kahit nasa barangay hall na ng Brgy. Tonsuya kaya inaresto na siya ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na hiningan ng tulong ng mga opisyal ng barangay.
Dakong alas-5:50 ng umaga napagbalingan ng biktima ang 24-anyos na serbidorang si alyas Angelica matapos walang pumatol sa kanyang paghahamon.
Hinila ng suspek sa buhok ang nabiglang biktima at sinapak sa ulo.
Sasampahan ng kasong physical injuries at alarm and scandal ang suspek batay sa reklamo ng biktima sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

