Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
Suspek sa gahasa ng menor-de-edad tiklo
Edd Reyes
Feb 1, 2025
545
Views
NAHULI ng mga pulis ang isang lalaki na akusado ng panghahalay sa menor-de-edad na biktima noong Sabado sa Navotas City.
Dakong alas-12:35 ng tanghali nahuli si alyas Roger sa C-4 Road, Centennial Park, Brgy. BBN matapos magtago nang umakyat sa korte ang kanyang kaso.
Bitbit ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang warrant of arrest na inilabas ni Navotas City Family Court Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Branch 9 laban sa akusado para sa kasong statutory rape.
Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Navotas police ang suspek.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

