Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Kinilala ni MPD Chief Police Brig. General Arnold Thomas Ibay (kanan) ang dalawang lalaki na naaresto dahil sa pagnenenok ng motorsiklo sa Sta. Ana, Manila.
Metro
2 kelot laglag sa parak sa pagnenok ng motor
Jon-jon Reyes
Feb 1, 2025
515
Views
ARESTADO ang dalawang lalaki ng mga operatiba ng Manila Police District-District Anti-Carnapping Unit (MPD-DACU) matapos umanong nakawin ang motorsiklo sa Tejeron St. corner Liwayway St., Brgy. 783, Sta. Ana, Manila noong Huwebes.
Nakatakas naman ang isa pang kasabwat ng suspek na si alyas Andy, ayon sa report. Kinilala ang mga nahuling suspek na sina alyas Jeremiah, 26; at alyas Bryan, 18.
Bandang alas-5:48 ng hapon ng tangayin ng mga suspek ang motorsiklo ng biktimang si Lawrence Ivan, 22.
Base sa kuha ng CCTV noong Enero 30, bandang ala-1:11 ng madaling araw nakaparada ang Suzuki raider (RA-10883) nang tangayin ng mga suspek.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

