Calendar
Bagong buwis na papasanin ng mahihirap ayaw ni BBM
TUTOL si presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng bagong buwis kung ang papasan nito ay ang mga mahihirap na mamamayan.
Ayon kay Marcos marami pa ang hindi nakakarekober mula sa epekto ng pandemya at alalay mula sa gobyerno at hindi bagong buwis ang kailangan ng mga ito.
“Depends on what sectors and in what area but if it’s going to be, if the brunt of it is going to be felt by the consumer general public I would not be very partial to that for the simple reason na hirap na hirap na ang mga tao, wag mo nang dagdagan ang bigat…. hirap na hirap na ang mga tao,” sabi ni Marcos.
Ipinaliwanag ni Marcos na bagamat ang buwis ang pangunahing pinagkukuhanan ng pondo ng gobyerno hindi ito dapat na itinataas kung ang direktang maaapektuhan ay ang mga ordinaryo at mahihirap na mamamayan.