Manila job fair sinaksihan ni Yorme, VM Chi
May 1, 2026
Calendar
Provincial
Hardware owner utas sa mga salarin
Jojo Cesar Magsombol
Feb 6, 2025
510
Views
PINATAY ang may-ari ng hardware noong Lunes ang pinaslang ng mga hindi nakilalang salarin sa Sitio Torre, Brgy. San Isidro, Rosario, Batangas.
Base sa imbestigasyon, bandang alas-8:45 ng umaga nasa loob ng kanyang mini hardware ang biktimang si Cornelio Mendoza Cena nang biglang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo
Walang sabi-sabi na binaril ang biktima ng maraming beses gamit ang .45 caliber pistol.
Ayon sa mga pulis, naka-itim na jacket, itim na helmet, itim na pantalon at tsinelas at sakay ng itim na Honda TMX ang mga pumatay.
Nagawa pang tumakbo ng biktima patungo sa likurang pinto ng kanyang hardware ngunit agad siyang sinundan ng mga suspek at pinagbabaril pa ng maraming beses na tumama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Parak sa PRO 4A nakasabat ng P1.2M droga
May 1, 2026
College of Medicine, Law magkakaroon na sa BPSU
May 1, 2026
Lalaki patay sa pamamaril sa Nueva Ecija
May 1, 2026

