Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Carnap Kinilala ni MPD Director P/BGen. Arnold Thomas Ibay (kaliwa) ang suspek na may kasong carnapping matapos malambat sa President Quirino Avenue, Malate, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Carnap suspek nahuli sa Manila

Jon-jon Reyes Feb 7, 2025
454 Views

NAHULI ng mga pulis-Maynila ang mekanikong suspek sa carnapping sa President Quirino Avenue, Malate, Manila noong Huwebes.

Ang suspek na si alyas Carlos Jr., 40, residente ng Brgy. 707 Malate, Manila, ayon sa police report.

Bandang alas-7:30 ng gabi ng namataan ng mga umarestong pulis ang suspek habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa nasabing lugar.

Nahuli siya sa tulong ng arrest warrant na inisyu ni Judge Maria Lourdes Estrada Mislang ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 17.