Vendor Iniharap ni MPD Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang suspek na may kasong 2 counts ng acts of lasciviousness matapos matimbog sa Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

May kaso ng acts of lasciviousness natiklo

Jon-jon Reyes Feb 7, 2025
16 Views

LAGLAG sa mga parak ang vendor dahil sa 2 counts ng acts of lasciviousness sa Liwayway corner Quezon Sts., Tondo, Manila noong Huwebes.

Nakilala ang suspek na si alyas Celso, 53, na nahuli bandang alas-5:00 ng hapon, ayon sa police report.

Nahuli siya sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 6 Family Court, Manila City.

May inirekomendang pyansa na P180,000 sa bawat isa ng dalawang counts ng kaso na isinampa sa suspek.