Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Huli

Obrero nasakote sa VAWC sa Batangas

Edd Reyes Feb 8, 2025
82 Views

NADAKIP ng mga pulis ang 32-anyos na obrero sa Valenzuela City noong Biyernes sa Tanauan, Batangas dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act).

Unang pinuntirya ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban si alyas Freddie sa San Jose Del Monte, Bulacan subalit hindi na siya natagpuan sa kanilang lugar.

Noong Biyernes ng gabi matapos matanggap ang impormasyon na namamalagi sa Tanauan City sa Batangas ang akusado noon naaktuhan ang suspek at tuluyan ng naaresto.

Dakong alas-9:00 ng gabi nang masukol ng mga pulis ang akusado sa harap ng Matsuform Link Inc.. sa Brgy. Janopol Oriental, Tanauan City.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado bunga ng naranasang sobrang pagmamalupit niya sa biktima na naging dahilan upang dumanas ng paghihirap ng damdamin at labis na kahihiyan.