Calendar

Villar optimistiko sa completion ng MRT-7 project
SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN – Optimistiko si House Deputy Speaker at administration senatorial candidate Camille A. Villar na magbibigay ng positibong resulta hindi lang sa ekonomiya bagkos pati sa kabuhayan ng mga Bulakenyo ang pagtatapos ng MRT-7 project.
Sabi ni Villar na ang completion ng MRT-7 ay inaasahang magdudulot magandang oportunidad para sa mga mamamayan ng North Caloocan at San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan na madadaan ng proyekto dahil sa malaking ganansiya na makukuha mula dito.
Ayon kay Villar, ang isa sa oportunidad na maibibigay ng MRT-7 project ay ang pagkakaroon ng maraming trabaho sa pamamagitan ng development infrastructure habang malaking pakinabang din ang maidudulot nito para sa kabuhayan ng mga Bulakenyo.
Paliwanag ng kongresista na dati na nitong isinusulong sa Kamara de Representantes ang pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mga Pilipinong walang maayos na pinagkakakitaan kung saan itinataguyod din nito ang promosyon ng mga maliliit na negosyo.
“Actually one of the things that I’ve always espoused whether while working in the private sector or in Congress and I hope to continue to espouse are supporting economic growth. And I think dito sa San Jose del Monte, nakikita namin na isa siyang magandang halimbawa ng siyudad na talagang nakikita na that is built on support for livelihood,” sabi nito.
Winika pa ni Villar na isa sa mga magandang oportunidad na maidudulot ng MRT-7 completion ay ang pag-usbong ng mga malalaking negosyo at ang pagkakaroon ng maraming trabaho.
“Nakikita naman natin with the MRT-7 na pag napaganda natin yung inter-connectivity at pag may imprastraktura na dumarating sa isang bayan ay nagkakaroon ng increase in output productivity and increase sa trabaho and dito rin nakikita natin sana magkaroon ng murang pabahay at better homes for all sa ating mga kababayan,” Ayon pa kay Villar.