Calendar

Saklolo! Sigaw ng magulang ng sanggol na namatay pagkatapos padedehin ng gatas
NAGPASAKLOLO sa mga pulis ang magulang ng apat na buwang sanggol na lalaki na namatay matapos umanong padedehin ng gatas ng nurse sa ospital sa Quezon City noong Biyernes.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:48 ng hapon namatay ang sanggol sa recovery room ng isang government hospital sa Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Nestor Ariz Jr., na-admit ang sanggol sa ospital noong Pebrero 15 para sumailalim sa heart surgery.
Habang nasa loob ng recovery room ng ospital ang mga magulang ng biktima, isang naka-duty na nurse ang nagpadede ng gatas sa sanggol sa bote.
Kasunod nito, nahirapang huminga ang sanggol at agad na humingi ng tulong ang nasabing nurse sa iba pang staff ng ospital.
Subalit nitong Pebrero 28 binawian ng buhay ang sanggol, ayon sa doktor.