Suspek

Murder suspek nalambat sa QC

Edd Reyes Mar 2, 2025
19 Views

ARESTADO ang 69-anyos na lolo na akusadong pagpatay sa Valenzuela City kasabwat ang tatlo niyang kaanak noong Sabado sa Quezon City.

Pinasok ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban ang bahay ni alyas Badok dakong alas-7:30 ng gabi sa Blk. 6, Lot 4, Pook Pag Asa, Batasan, Quezon City na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Kasama ni alyas Badok sa pagpatay ang kanyang mga kaanak na sina alyas Albino, alyas Roderick at alyas Joeven sa Valenzuela City.

Naglabas ng warrant of arrest si Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Mateo Altarejos ng Branch 172 laban sa apat nang hindi na sila mahagilap ng pulisya makaraan ang pagpatay.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Badok.