Magsino

Magsino sang-ayon na dapat sagutin ng PhilHealth hospital bill ng mga OFWs, kanilang pamilya

Mar Rodriguez Mar 15, 2025
17 Views

Magsino1Magsino2Magsino3SINUSUPORTAHAN ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang pahayag ng kapwa nito kongresista na dapat sagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang hospital bill at iba pang medical expences ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama ang kanilang pamilya.

Bilang kinatawan ng mga OFWs sa Kamara de Representantes, binigyang diin ni Magsino na hindi naman masyadong kalakihan ang kinikita ng mga manggagawang Pilipino sa abroad o migrant workers kaya isang napakalaking tulong at kaginhawahan kung mababawasan ang kanilang malaking gastusin sa ospital sakaling mayroon man magkasakit sa kanilang pamilya.

Paliwanag pa ni Magsino na taliwas sa inaakala ng ilan na malaki ang sinasahod ng mga Pilipinong nagta-trabaho sa ibang bansa. Sabi nito na mababa lamang ang kanilang sinasahod lalo na kung ang kanilang trabaho ay isang domestic helper (DH) o laborer.

Pabor din ang OFW lady solon na kahit kalahati man lamang ng hospital ng isang OFW ang sagutin ng PhilHealth ay isang napakalaking bagay na aniya upang maibsan ang napakalaking gastusin nito na dinadagdagan pa ng mga nireresetang gamot.

Sa paglilibot ni Magsino sa iba’t-ibang bansa para alamin at tingnan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Ipinahayag nito na ganito ang kahilingan sa kaniya ng mga OFWs. Ang pagkakaroon ng malaking kabawasan sa babayaran nilang hospital bill sa pamamagitan ng PhilHealth.

Kasabay nito, dinayo ni Magsino ang kaniyang mga kababayan sa Balete, Batangas para sa isang courtesy call kasama si Balete Mayor Wilson V. Maralit upang pag-usapan na magkakaroon ng sapat na tulong na matatanggap ang nasabing bayan mula sa OFW Party List.

Bilang isang Batangueña, binigyang pansin ng kongresista sa ginanap na talakayan ang mga programa at serbisyong maibabahagi ng OFW Party List kabilang na dito ang mga infrastructure project na ABC Hall.