Victim Ang lugar na kinatagpuan ng chop cho na kawan ng hindi kilalang biktima.

Chop chop na lalaki natagpuan sa Laguna

Gil Aman Mar 19, 2025
19 Views

DAHIL sa masangsang na amoy, nadiskubre ang katawan ng isang lalaking pinagputol-putol sa UK Marilaque Highway , Brgy. Laurel Sta Matia,Laguna Martes ng tanghali.

Sa report ng Sta Maria Police, hindi pa nakikilala ang may ari ng natapuang bahagi ng katawan na hinihinalang itinapon ng hindi pa kilalang salarin ilang araw na ang nakakalipas.

Ipinagbigay alam ni Edgar Barbosa Citizen Crime ang pinagputol putol na bahagi ng katawan mga alas 12:30 tanghali.

Unang natagpuan ang bahagi ng putol putol na paa sumunod ang iba pang bahagi ng katawan ng isang rider na nakaamoy ng mabahong amoy na nagmumula sa gilid ng highway.

Nakabalot din ang ilang bahagi ng biktima sa itim na garbage bag may 100 metro ang layo mula sa unang kinatagpuan.

Patuloy ang isinasagawang seach ng pulisya upang makilala ang biktima gayundim ang salarin.