QCPD

QCPD cops rumemate; 235 na kriminal winalis

22 Views

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 235 katao na lumabag sa batas sa anti-criminality at anti-illegal drug operations mula Marso 30 hanggang Abril 5.

Ayon kay QCPD district director P/BGen. Melecio Buslig Jr., ang isang linggong operasyon nagresulta sa pagkakadakip ng 70 wanted persons, 82 illegal gamblers, 77 drug suspects at 6 na indibidwal na nakunan ng ilegal na baril.

Sa kampanya laban sa illegal drugs, may kabuuang 48 na operasyon ang isinagawa na humantong sa pagkakaaresto sa 77 drug suspects at pagkakakumpiska ng P2,844,700 na halaga ng iligal na droga.

Nagsagawa rin ang QCPD ng anim na operasyon laban sa mga iligal na baril, na humantong sa pagkakarekober ng anim na baril at pagkakaaresto ng anim na indibidwal.

Sa kampanya laban sa iligal na sugal, may kabuuang 42 na operasyon ang isinagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 82 sugarol at pagkakakumpiska ng P28,604 na taya.