2 bgy opisyal sinuspinde ng Manila City Council
Apr 22, 2026
May nanalo na sa heartsung ni otoko
Apr 22, 2026
18 sa 31 PDL na nagtapos ng HS binigyan ng award
Apr 22, 2026
Accreditation ng 12 driving school binawi ng LTO
Apr 22, 2026
Calendar
Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas (kaliwa) ang suspek na naaresto sa pagdadala ng P680,000 na halaga ng shabu, baril at granada sa Binondo, Manila.
Metro
Lalaki nalambat sa droga, boga, granada
Jon-jon Reyes
Apr 26, 2025
420
Views
NATIMBOG ng mga miyembro ng Manila Police District-Binondo Meisic Police Station 11 ang suspek na tulak ng iligal na droga sa Muelle Dela Industria St., Binondo, Maynila noong Biyernes at nasabat ang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.
Nakilala ang naarestong suspek na si alyas Datu, 40, ng-Palanca St., Quiapo, Manila.
Natimbog ng mga operatiba ng MPD police station 11 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Roberto Mupas ang suspek at ang dala niyang 100 gramo ng shabu na may halagang P680,000.
Nakumpiska rin sa suspek ang isang kalibre .45 baril, 6 na bala at isang hand grenade.
Nahaharap sa patung-patong na kasong paglabag sa RA 9165, RA 10691 at RA 9516 ang naarestong suspek.
2 bgy opisyal sinuspinde ng Manila City Council
Apr 22, 2026
6 arestado sa P8.9M ninakaw na petrolyo
Apr 21, 2026
2 nakitang patay sa condo: 1 ‘minartilyo’, 1 suspek
Apr 21, 2026
2 nagpa-gas sabay takas sa Payatas huli
Apr 21, 2026
Reklamo bumuhos sa sunog sa Navotas landfill
Apr 21, 2026

