Pascual Ipinapakita ni Gapan City Mayor Joy Pascual ang kopya ng inihain niyang kasong cyber libel laban sa isang babae dahil sa kanyang malisyosong mga posts sa Facebook laban sa kanya, kuya congressman Emeng Pascual at ama na si Kapitan Boy Pascual. Kuha ni STEVE A. GOSUICO

Bebot kinasuhan ng cyberlibel ng Gapan City mayor dahil sa FB posts

Steve A. Gosuico May 1, 2025
38 Views

GAPAN CITY – Pormal na inihain nitong Martes ni Gapan City Mayor Joy D. Pascual ang reklamong cyber libel sa city prosecutor’s office laban sa isang babae dahil sa diumano ay malisyosong posts sa Facebook patungkol sa pamilya Pascual sa city prosecutor’s office nitong Martes.

Ang apat na pahinang reklamo at 16 counts ng cyber libel ay inihain laban sa netizen, ng barangay San Vicente, ng siyudad na ito.

Hiling ni Mayor Pascual ay hustisya dahil kahit aniya siya ay isang public official ay may hangganan ang paninirang-puri na ginawa diumano sa kanilang pamilya.

“Ang nasabing pahayag sa FB post ay ganap na mali, walang batayan, malisyoso, at nakakapinsala sa akin at sa katauhan ng aking pamilya, karangalan, reputasyon at imahe sa publiko,” saad ng reklamo ng alkalde.