Calendar
Robes pinatunayan pagkapanalo ni PBBM, VP Sara sa Bulacan
PINANGATAWANAN at pinatunayan ng isang kongresista mula sa Bulacan na maibibigay ng kaniyang lalawigan ang napakalaking boto o “overwhelming win” para kina President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice-President Elect Inday Sara Duterte.
Sinabi ni San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes na sa kaniyang distrito pa lamang ay nakakuha na si Marcos ng 65% ng mga boto, kung saan, lamang ito ng 144,000 votes laban sa kaniyang malapit na karibal na si Vice-President Leni Roberdo.
Ayon kay Robes, nakakuha lamang si Robredo ng 52,000 votes. Si Duterte ay nakakuha ng 61% kung saan, 134,000 ang kalamangan nito kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III (43,000 votes) na tumakbong VP katandem si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
“In my statements before, I already stated that Marcos and Duterte will win overwhelmingly in my city. For the whole Bulacan, Marcos had more than 60 percent votes garnering a total of 1,040,157 votes. This is the first time a presidential candidate obtained more than a million votes in Bulacan,” sabi ni Robes.
Ikinatuwa din ni Robes na naibigay ng kaniyang lalawigan ang napakalaking boto para maluklok si Marcos bilang susunod na Pangulo ng bansa at si Durterte bilang Pangalawang Pangulo.
“We are happy that we were able to deliver an overwhelming win for our President-Elect and our Vice-President Elect in our City of San Jose Del Monte and our province. But we would not have done it without our Mayors, Vice-Mayors and parallel groups who went the extra mile to campaign for our candidates,” dagdag pa ni Robes.