DQ2 Ang motion to withdraw petition ng apat na indibidwal na sinasabing complainant laban sa mag-asawang kumakandidato sa lalawigan ng Laguna. JONJON C. REYES

Kasong DQ vs 2 kandidato sa Laguna inatras

Jon-jon Reyes May 5, 2025
19 Views

NAGSUMITE ng motion to withdraw petition ang apat na sinasabing complainant laban sa mag-asawang kumakandidato sa lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Laguna.

Sa dalawang pahinang motion to withdraw petition, niliwanag ng abogado ng apat na tumayong complainant, na huwad o peke ang mga lagda ng sinasabing petitioners para maghain ng vote buying kontra kina Congresswoman Ruth at Governor Ramil Hernandez

Paliwanag ng abogado, nagulat ang mga sinasabing complainant nang makita sa social media at news platform ang kanilang mga pangalan gayung wala naman silang pinipirmahan at wala silang inirereklamo.

Hindi rin anila sila humarap sa pagno-notaryo para manumpa at kanilang iginiit na may kumuha ng kanilang blue card o health card kaya nakopya ang kanilang signature.

Inihayag pa ng abogado ng apat na residente ng Laguna, malinaw na walang katotohanan ang inihain laban sa mag-asawang Hernandez at layunin lang nito na guluhin ang nalalapit na midterm election..