DOH

5 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 naitala sa Western Visayas

240 Views

LIMANG bagong kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 ang naitala sa Western Visayas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa mga bagong kaso, tatlo ang returning overseas Filipinos (ROFs) na nanggaling sa Estados Unidos. Sila ay pare-parehong fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ang dalawa pa ay mga residente sa lugar at magkasama sa bahay.

Natapos na umano ng home isolation ng lima at ikinokonsidera na silang magaling. Pito ang naitalang close contact ng mga ito.

Sa kabuuan ay 22 na ang bilang ng Omicron subvariant BA.2.12.1 na naitala sa bansa.