Tuli

LP may libreng tuli sa Sabado

Edd Reyes May 23, 2025
21 Views

MAGSASAGAWANG uli ng libreng tuli sa Aguilar sports complex sa Las Piñas sa Sabado bilang bahagi ng programa ni Mayor April Aguilar.

Mahigit 300 batang lalaki ang nagpatuli noong Martes sa Aguilar Sports Complex sa Pilar.

Tiniyak ni City Health Office head Dr. Juliana Gonzales na mga lisensiyadong doktor at medical professionals ang magtutuli upang matiyak ang kaligtasan ng mga magpapatuli.

Nagtungo rin si Mayor April Aguilar sa lugar upang ipakita ang kanyang suporta sa mga batang sumailalim sa pagtutuli.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga health workers at volunteers na tumulong upang maging organisado at matiwasay ang naturang medical mission.